Manila, Philippines – Ibinaba ng PAG-IBIG fund ang interes sa pautang sa pabahay para lalo pa anilang mahikayat ang mga pilipino na kumuha ng sariling bahay.
Ayon kay PAG-IBIG President at CEO Acmad Moti, mula sa dating 6.5 porsiyento na fixed interest rate para sa tatlong taon na regular housing loan, ibinaba pa ito sa 6.375 porsiyento.
Para sa mga uutang na kayang maglabas ng equity o humati sa housing loan ng 25 porsiyento pataas, ibinaba ang interes sa pautang mula 5.5 porsiyento ay magiging 5.375 porsiyento na ito para sa isang taon.
Sinabi naman ni Moti na maaari pa ring magbago ang interes sa susunod na taon, depende sa desisyon ng board o pamunuan ng Pag-Ibig.
Maaaring lalo pang sumadsad ang interes, pero puwede ring tumaas.
Maliban rito, ibinaba rin ng pag-ibig mula P4,000 naging P1,600 kada taon na lang ang babayarang “Fire and Allied Perils Insurance” o ang bayad sa insurance sa sunog at iba pang sakuna sa housing loan na P1 milyon pataas.