BINAWASAN | Pondo para sa United Nations, tinapyasan ng Estados Unidos

Amerika – Aabot na lamang sa $85 million ang pondo ng US sa United Nations para sa taong ‎2018-2019.

Ayon kay US Ambassador to UN Nikki Haley, binawasan ng Amerika ang budget matapos na pagbotohan ng UN Security Council ang resolution kung saan pinababawi sa US ang pahayag nito na dapat nang alisin ang pagkilala sa Jerusalem bilang capital ng Israel.

Una nang iginiit ni US President Donald Trump na kanilang ililipat ang US embassy mula Tel Aviv papunta sa Jerusalem.


Nabatid na mas malaki ang binawas sa nasabing pondo kumpara sa taong ‎2016-2017 na aabot sa $285 million.

Facebook Comments