Wednesday, April 8, 2026

BINAWASANG MANGO BAMBOO FESTIVAL 2026, IPINATUPAD DAHIL SA ENERGY EMERGENCY

Nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng San Carlos City ng pagbabago sa Mango Bamboo Festival 2026 bilang pagtalima sa State of National Energy Emergency upang makatipid sa enerhiya.

Mula sa 22 na nakaplanong programa, anim na lamang ang itutuloy sa Mango Bamboo Festival 2026 sa San Carlos City. Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagkansela ng 16 na aktibidad ay makababawas ng hanggang 70% sa konsumo ng enerhiya, bilang pagtalima sa mga umiiral na hakbang sa pagtitipid ng resources.

Samantala, pansamantala ring ipinagpaliban ang mga magagarbong selebrasyon sa mga barangay, kabilang ang mga piyesta at sports leagues, upang higit pang makatipid sa pondo at enerhiya. Gayunpaman, binigyang-diin ng LGU na ang hakbang ay pansamantala at maaaring baguhin depende sa sitwasyon.

Ang “Reduced Fiesta” na tatagal hanggang Abril 18 ang inaasahang huling malakihang selebrasyon ngayong taon, habang nakatuon ang lungsod sa mga programang higit na makakatulong sa kapakanan ng mamamayan.

Sa huli, ipinapakita ng inisyatibong ito na sa bawat laban, hindi nag-iisa ang mga atleta—may komunidad na handang umalalay at magmalasakit para sa kanilang tagumpay at kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments