BINAWI | Kamara, umapela sa pagbawi ng PCSO sa mga ambulansya

Manila, Philippines – Umapela si House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles kay PCSO General Manager Alexander Balutan tungkol sa pagbawi sa mga ambulansyang naipamahagi sa mga lokal na pamahalaan.

Ang pagbawi sa mga ambulansya ng PCSO ay dahil sa patung-patong na reklamo bunsod ng kabiguan ng mga alkalde at gobernador na tumupad sa napagkasunduang pag-maintain at maayos na paggamit sa mga ito.

Giit ni Nograles, imbes na bawiin ang mga sasakyan, dapat na parusahan na lamang ang mga opisyal na mapapatunayang nagpabaya sa pag-maintain, umabuso sa paggamit at itinuring na personal na pagmamay-ari ang mga ambulansyang nakalaan para sa kanilang mga nasasakupan.


Ayon pa kay Nograles, hindi makatarungan ang pagbawi sa mga sasakyang ito lalung-lalo na para sa mga probinsyanong umaasa sa mga ambulansya kapag may mga kaanak na dapat itakbo sa malayong ospital at ngangailangan ng agarang serbisyo.

Facebook Comments