Manila, Philippines – Binawi na ng Philippine National Police (PNP) ang suporta nito sa programang “Ang Probinsyano”.
Kasunod na rin ito ng pagpuna ng PNP sa anila ay hindi patas na pagpo-portray ng palabas sa kanilang hanay.
Sa memorandum na inilabas noong Biyernes, sinabihan ni Police Community Relations Director Eduardo Garado na itigil ang lahat ng tulong ng PNP sa naturang palabas.
Kabilang dito ang paggamit ng pasilidad, sasakyan at mga armas ng pulisya gayundin ang partisipasyon ng mga pulis sa ilang eksena.
Giit ni Garado – sa isinagawa nilang dayalogo noong October 17 at 23 nangako ang mga producer ng palabas na aaksyunan ang mga isyu pero hindi ito natupad.
Ayon naman sa Department of Interior and Local Government (DILG), posibleng magsampa sila ng kaso laban sa mga producer kung itutuloy pa rin ng mga ito ang “unfair portrayal” sa PNP.