KINASTIGO | Barya lang na piyansa para sa mga kaso ni Imelda Marcos – binatikos

Manila, Philippines – Parang nilibre lang ng piyansa ng Sandiganbayan si dating first lady at ngayon ay Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Puna ito ni Vice President Leni Robredo sa aniya ay barya lang na piyansang inirekomenda sa mga kasong graft ng dating unang ginang.

Sabi ni Robredo – hindi makatarungan ang P150,000 na piyansang inirekomenda ng Sandiganbayan dahil kung tutuusin, malayong malayo ito sa kabuuang halaga ng umano ay nakaw na yaman ng pamilya Marcos noong panahon ng martial law.


Ipinapakita lang din aniya nito na hindi pa rin patas ang hustisya sa bansa.

Giit ng Bise Presidente, hindi sapat na nahatulan lang ng guilty si ginang Marcos dahil hindi pa rin ito naikukulong.

Samantala, dinidinig pa rin ng Sandiganbayan 5th Division ang apela ni ginang Marcos hinggil sa hatol na guilty sa pitong bilang ng kasong graft laban sa kanya.

Facebook Comments