BINAWI | Suspension order sa ilang alkalde, binawi ng Ombudsman

Manila, Philippines – Binawi ni Ombudsman Samuel Martires ang suspension order laban sa ilang alkalde at iba pang opisyal dahil sa paglabag sa Solid Waste Management Act.

Ito ay sa gitna ng pag-iimbestiga ng Office of the Ombudsman sa environmental cases.

Ayon kay Martires – hinikayat niya ang Kongreso na pag-aralang mabuti ang nilalaman ng batas.


Magastos aniya ang pagpapasara ng operasyon ng mga open dumpsite.

Sa datos mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), aabot sa P50 million ang kailangan para makapagtayo ng sanitary land fill bagay na hindi kakayanin ng ilang lokal na pamahalaan.

Ipinagkibit-balikat naman ni Martires ang mga kritikong nagsasabing pabor sa mga respondent ng kaso ang kanyang mga desisyon.

Facebook Comments