GOOD NEWS | NFA, nagbigay na ng go-signal sa pag-aangkat ng dagdag supply ng bigas

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng National Food Authority (NFA) ang pag-aangkat ng karagdagang bigas.

Aabot 750,000 metric tons ng bigas ang gagawing supply para ngayong taon at isang milyong metrikong tonelada bilang standby import para sa susunod na taon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – layon ng gobyerno na punuin ang merkado ng murang commercial rice at pababain ang presyo nito sa lalong madaling panahon.


Dagdag pa ni Piñol, na siyang chairman na ng NFA council – ang rice imports na 750,000 MT ay inaasahang darating sa bansa ngayong taon.

Sinisi ng kalihim ang mga rice traders sa pagmahal ng presyo ng bigas sa merkado dahil sa pagho-hold ng kanilang stocks.

Facebook Comments