Nagsalita na si Senator Nancy Binay tungkol sa insidente sa Recto Bank kung saan binangga ng isang Chinese vessel ang F/B Gem-Ver 1 na ikinahulog ng 22 na Pilipinong mangingisda sa dagat.
Ayon kay Binay, hindi ordinaryong aksidente ito kabaliktaran ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na nasa angkla ng Chinese vessel ang Gem-Ver 1 nang mangyari ang banggaan.
Tinawag din ni Binay na hindi makatao at hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng mga Chinese na iniwan na lamang ang mga mangingisda sa dagat.
Dagdag ni Binay, obligado silang tulungan ang mga Pilipino dahil nakasulat ito sa United Nations Convention for the Law of the Sea (UNCLOS).
Sinabi rin ni Nancy na dapat ay maging responsable ang gobyerno ng China hinggil sa nangyari.
“What if iba ang naging scenario, and all the 22 crew members died at sea? Paano kung walang mga Vietnamese na sumaklolo? At kung namatay silang lahat, sino ang paniniwalaang kwento? China pa rin ba?” ani Nancy.
Naiahon naman ang lumubog na F/B Gem-Ver 1 sa dagat at nabigyan ng mga bangka ang 22 na Pilipinong mangingisda.