Binga Dam, magpapakawala ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan

Nakatakdang magpakawala ng tubig ang Binga Dam dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel nito.

Sa abiso ng National Power Corporation (NAPOCOR), lumampas na kasi sa 574.32 meters ang tubig sa Binga Dam at posibleng tumaas pa ito dala ng bagyong Pepito.

Sa abiso naman ni Engr. Roy Badilla, Chief ng Hydro-Meteorology Division ng PAGASA, asahan ang mas marami pang ulan na dala ng bagyo sa susunod na 24 na oras sa Magat Dam.


Dahil malaki ang catch basin ng Dam, tiyak na maraming ulan ang masasalo nito na maaaring maging dahilan din ng pagpapakawala ng tubig doon kung saan maaaring maapektuhan ang mga probinsya ng Isabela at Cagayan.

Naglabas ng Notice on Dam Discharge Warning Operation para sa mga barangay ng Tinungdan at Dalupirip.

Pinapayuhan ang dalawang Barangay sa Itogon Benguet na magsagawa ng precautionary measures.

Inabisuhan din ng NAPOCOR ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office kaugnay sa pagpapakawala ng tubig.

Facebook Comments