Binibining Pilipinas Universe 2019 Gazini Ganados, opisyal nang tinapos ang reign sa pageant

Opisyal nang tinapos ni Binibining Pilipinas Universe 2019 Gazini Ganados ang kaniyang two-year reign bilang beauty queen.

Sa Instagram account nito, inihayag ni Gazini ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniya simula noong lumalahok pa lamang siya sa beauty pageant.

Pinayuhan naman ng beauty queen ang susunod na mga binibini na maniwala lamang sa sarili at magsilbing boses sa lahat gamit ang buong puso.


Si Gazini ay orihinal na nagmula sa Zamboanga del Norte.

Facebook Comments