BINIGYANG DIIN | Pananakot kaugnay ng Dengvaxia vaccine, inupakan ni Pnoy

Manila, Philippines – Humarap sa media sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health sec. Janette Garin at dating Budget sec. Butch Abad dahil gusto daw nilang makatulong sa pananakot kaugnay ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Aquino, Maraming mga magulang ang ayaw na magpabakuna dahil sa takot na dala ng Dengvaxia.

Binigyang diin ng dating Pangulo na mas maliit ang panganib na dala ng Dengvaxia na point 2 percent lamang kumpara sa naging gain o ganansya ng mas nakararaming Pilipino.


Iniulat na rin anya noong August 2010 ni Health Sec. Enrique Ona sa nooy Pangulong Aquino na may malaking pagtaas ng kaso ng dengue sa region 8 na 1, 409.5%

Sinabi naman ni Garin- na sa pag-autopsy ng isang bankay– Hindi iniexhume o hinuhukay ang pasyente- at mayroong proseso na sinusunod ang WHO

Ani ni Garin, tila hindi sinusunod ang siyensiya

Tinawag din ng dating pangulo na forum shopping ang kaliwat-kanang kaso na isinampa laban sa kanila ng pareho ring mga complainant.

Kanina dumating sa DOJ sina Aquino, Garin, Abad at iba pang respondents kung saan nagsumite sila ng kanilang mga counter-affidavits.

Facebook Comments