Binihag na miyembro ng CAFGU, pinakawalan na ng NPA sa Surigao Del Sur

Surigao Del Sur, Philippines – Pinalaya na ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit *(**CAFGU**) **na* binihag noong nakaraang linggo.

Ayon kay Ka Sandra, tagapagsalita ng FC 21 at 30 ng NPA, alas dose kahapon, Mayo 22 pinakawalan na nila si CAA Jeremias Estrada sa Barangay Buenavista, Tandag City, Surigao del Sur.

Sinasabing, kahit pa pinalaya na nila si CAA Estrada pero “under observation” pa rin ito sa kanilang kilusan at isa sa mga naging kondisyon ay tumigil na ito bilang CAFGU para hindi magamit ng militar.


Una nang sinabi noon ni Ka Sandra na, hindi nila binihag si CAA Estrada kundi inaresto lamang nila ito para mapasagot sa salang paniniktik sa kilusan.
DZXL558

Facebook Comments