DFA, tiniyak na walang Pinoy na nadamay sa England concert bombing

United Kingdom – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong kabilang sa nasaktan o casualty sa pagpapasabog sa concert ni Ariana Grande sa Manchester Arena sa United Kingdom.

Sa kabila nito, nanawagan si Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar sa mga Pinoy sa Manchester na maging alerto at mapagmasid sa kapaligiran.

Nagpa-abot din ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa pagpapasabog.


Sa naturang suicide bombing, labing-siyam ang nasawi at limampu ang mga nasugatan.
DZXL558

Facebook Comments