Biniling 90 Russian military truck ng AFP, darating sa bansa sa loob ng anim na buwan

Sa loob ng anim na buwan ay darating na sa bansa ang 90 military truck ng Russia na binili ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang mga truck na ito ay gawa ng kumpanyang URAL ng Russian Federation na nabili sa halagang 324 milyong piso.

Inaprubahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ang Truck Troop Carrier Light project ng nakaraang taon.


Ang kontrata sa pagsuplay ng mga truck ng Russia ay napanalunan ng ConEquip Philippines Inc., sa isang public bidding.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, ang mga bagong truck ay malaking tulong sa militar sa paghahatid ng mga tauhan at kagamitan sa combat operations at humanitarian assistance and disaster response.

Facebook Comments