Manila, Philippines – Nagpatuloy parin ang pagbira ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko.
Sa Talumpati kasi ni Pangulong Duterte sa ika-85 anibersaryo ng Department of Labor and Employment ay hinikayat nito ang publiko na basahin ang mga libong kangyang binabasa tungkol sa mga sikreto ng simbahan.
Sinabi ng Pangulo na siguradong pagkatapos mabasa ang mga librong ito ay tiyak na hindi na magiging katoliko ang mga babasa.
Pinayuhan din naman ni Pangulong Duterte ang mamamayan na manatiling nakakapit sa Panginoon pero wang aniyang paloloko sa relihiyon.
Sinabi din ni Pangulong Duterte na walang kapasidad ang mga Obispo na malaman ang lawak ng problema ng bansa lalo na sa operasyon ng iligal na droga.
Sa harap nito ay muling tiniyak ni Pangulong Duterte na ipagpapatuloy niya ang paglabas sa iligal na droga at ito aniya ang regalo niya sa mamamayan.