WAG MABAHALA | Pahayag ng Pangulo na kinuhanan siya ng dugo, normal na ginagawa – Bong Go

Manila, Philippines – Inihayag ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go na walang dapat ikabahala at wala ding bago sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay kinuhanan ng dugo ngayong araw.

Sa isang interview kay Go kanina sa annibersaryo ng Department of Labor and Employment o DOLE na dinaluhan din ni Pangulong Duterte ay regular na kinukuhanan ng Dugo ang Pangulo para sa blood chem kada 6 na buwan at normal naman aniya ito.

Una nang pabirong sinabi ni Pangulong Duterte na kinunan siya ng dugo pero hangin lamang ang lumabas.


Sa talumpati naman ni Pangulong Duterte sa 85 anibersaryo ng DOLE ay sinabi nito na kung kailangan ng mamamayan ng maaasahan o matatakbuhan ay lumapit lamang ang mga ito kay Secretary Go na tumatakbo aniya sa pagka-senador.
Ayon kay Pangulong Duterte, 17 taong nanilbihan sa kanya si Bong Go kaya kabisado na nito ang pasikot-sikot sa Pamahalaan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na buo ang kanyang suporta sa kandidatura ni Go sa pagka-Senador

Facebook Comments