Isinailalim na sa quarantine ang bayan ng Binmaley Pangasinan matapos umanong maipaulat na mayroong mga baboy ang namatay dahil sa ASF sa Barangay Linoc.
Sa panayam ng Ifm Dagupan kay Dr. Florentino Adame ng Depaartment of Agriculture Region 1, wala pa umanong kasiguraduhan na African Swine Flu ang tumama sa mga baboy na namatay sa nasabing lugar ngunit upang hindi na kumalat pa ang virus magpapatupad na sila ng quarantine.
Ayon umano kay Adame nauna ng magsagawa ng pagsusuri ang local government unit at lumabas na ito ay nagpositibo sa ASF.
Gayunman, magkakaroon pa rin ng pagsusuri ang Department of Agriculture Region 1 upang masiguro ang nasabing pagsusuri.
Dahil dito, surveillance protocol umano ang gagawin ng ahensya at hindi pa magpapatupad ng 1-7- 10 protocol dahil wala namang active cases na nakikita.
Nagsimula umanong mamatay ang 40 baboy sa bayan noong Disyembre at ang huling kaso ay noong Enero 1, ngayong taon. ###
Binmaley Pangasinan under quarantine matapos na maipaulat na ASF ang naging dahilan ng pagkamatay ng ilang baboy
Facebook Comments