Manila, Philippines – Naniniwala si dating National Security Adviser Roilo Golez na mahalaga ang magiging papel na binubuong quadrilateral alliance para maresolba ang isyu ng West Philippine Sea.
Kabilang sa mga miyembro nito ay Estados Unidos, Japan, Australia at India.
Sa interview ng DZXL RMN kay Golez – ang nasabing alyansa ay layong magkaroon ng counter-balance sa agresibong hakbang ng China.
Sinabi pa ni Golez – malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng Tsina ang bubuhuing alyansa.
Nabatid na sa nakatakdang talakayin sa susunod na linggo ng mga ASEAN leaders ang pagbuo ng code of conduct para sa South China Sea.
Facebook Comments