BINUGBOG | Pagkamatay ng ating kababayan sa Slovakia, isolated case lang

Tiniyak ng ating Embahada sa Vienna na may sakop ng Slovakia na hindi na mauulit pang muli ang insidente ng pambubugbog sa ating mga kababayan

Ayon kay Ambassador to Vienna Ma. Cleofe Natividad isolated case lamang ang nangyaring pambubugbog na nauwi sa pagkamatay ng ating kababayan na si Henry John Acorda, isang financial analyst sa Slovakia

Sinabi ni Natividad na maayos ang relasyon ng Slovakians sa mga Pinoy, sa katunayan, nang malaman ang sinapit ni Acorda ikinagalit ng mga mamamayan ng Slovakia at kinondena pa mismo ni Prime Minister Peter Pelligrini ang naturang insidente


Hindi rin aniya pinabayaan ng Slovak govt si Acorda dahil ang naghatid sa mga labi nito pauwi ng Pilipinas ay isang aircraft ng Slovak Government

Kasunod nito, siniguro din ni Ambassador Natividad na sisipot sila sa mga pagdinig upang bigyan ng update ang naulilang pamilya ni Acorda

Sa ngayon hawak na ng mga otoridad ang suspek na kinilalang si Hiraj Hossu at ipinagharap na ng kasong manslaughter.

Facebook Comments