BINUKO | BB Gandanghari, Uber driver na sa Amerika – Binoy

154

Amerika – Bukod sa pagiging androgynous model, nagtatrabaho rin ngayon bilang Uber driver sa Amerika si Rustom Padilla na ngayon ay kilala bilang si BB Gandanghari.

Ito ang ibinahagi ng kapatid ni BB na si Robin Padilla.

Kwento ni Robin, maayos naman ang lagay ang kanyang kapatid pero hindi rin niya maiwasang hindi mag-alala.

Bilang Uber driver kasi, nagko-cross country si BB para sa mga taong hindi naman daw niya kilala.

Nagbalik-tanaw pa ang aktor sa pagiging close nilang magkapatid noong kabataan nila kung saan 80 porsiyento ng away niya ay tungkol daw kay BB.

Nito lang nakaraang taon nang aprubahan ng korte sa Amerika ang pagiging ganap na babae ni BB.

Facebook Comments