INAKUSAHAN | Security escort ni VP Leni Robredo, nagnanakaw daw ng cellphone charger at battery?

75

Manila, Philippines – Bineberipika na ng mga otoridad ang akusasyong pagnanakaw ng cellphone battery at charger ng isang close-in security details ni Vice President Leni Robredo sa NAIA terminal 3.

Nangyari umano ang insidente ala-sais ng gabi noong November 16 sa VIP security checkpoint ng paliparan.

Ayon kay Security Officer Girlie Gobaton, naka-charge ang kanyang cellphone battery nang lumabas siya saglit para magbanyo.

Pero pagbalik niya, wala na ang kanyang cellphone battery at charger.

Nang tingnan ang CCTV footage, nakita nila ang isang lalaking nakasuot ng berdeng barong at umano’y kabilang sa security escorts ng Bise Presidente na siyang tumangay ng kanyang gamit.

Nabatid na noong gabing iyon, parating mula sa Cagayan De Oro si Robredo.

Hiniling na ni Gobaton sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Office for Transport Security na makipag-ugnayan sa Office of the Vice President para makuha ang kanyang mga gamit.

Facebook Comments