Inihayag ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones na maglalabas ng Memorandum Circular ang binuong inter-agency task force para sa proseso ng mas mabilis na aplikasyon ng land conversion.
Ayon kay Castriciones, puntirya nilang makabuo ng ng initial submission sa gabinete pagdating ng ika-4 ng Marso.
Nauna rito, kinastigo ni Pangulong Duterte ang DAR dahil sa patong-patong na hihihinging certifications na nagpapabagal sa proseso ng land use conversion mula agricultural patungong residential, commercial at industrial .
Nais ng pangulo na paikliin na lamang sa 30 araw mula sa dating 24 buwan ang proseso ng aplikasyon.
Kasabay nito, pinagsusumite ni DAR Undersecretary Luis Meinrado Pangulayan (Inter-agency task force chairman), ang bawat ahensya na tukuyin ang mga posibleng bottlenecks sa mga gagawing proseso.
Kabilang sa mga ahensya na ito ay: Department of Agrarian Reform, Department of the Interior and Local Government, Department of Agriculture, Housing and Land Use Regulatory Board, National Housing Authority, and Housing and Urban Development Coordinating Council.