Biography ni Bong Revilla sa Wikipedia pinagpiyestahan

Courtesy of Facebook/Ramon Bong Revilla, Jr.

Samu’t-saring screengrabs ng edited biography ni Senatorial candidate Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang kumakalat ngayon sa social media.

Mababasa sa website ng Wikipedia ang mga salitang ‘budots master’, ‘budotman’ o ‘budotnaholics’ kapag hinahanap ang impormasyon tungkol kay Revilla.

Wikipedia Screenshot

Iniugnay rin ang kanyang pangalan sa TV host at comedian actor na si Vice Ganda.

Wikipedia Screenshot

Meron din bersyong lumabas na may halong mura at hindi magagandang salita ang pangalan ni Revilla.

Agad naman tinanggal ang mga dinagdag na impormasyon. Hanggang ngayon, hindi pa natutukoy kung sino ang nasa likod nito.

 

Facebook Comments