3 bata, patay sa suffocation matapos ma-lock sa kotse

163

Patay ang tatlong batang magpipinsan sa Orion, Bataan, matapos na aksidenteng makulong at ma-suffocate sa loob ng sasakyan. nitong Lunes.

Natagpuang wala nang buhay ang mga biktima na may edad 6, 7, at 9.


Batay sa imbestigasyon, naglalaro lang umano ang magpipinsan malapit sa sasakyang naka-issue sa tatay ng isa sa kanila

Lumalabas sa imbestigasyon na naglalaro ang mga bata malapit sa sasakyan na pagmamay-ari ng ama ng isa sa mga biktima bago mangyari ang insidente.

Sira umano ang lock ng sasakyan, at wala ring nakarinig sa pangangalampag ng mga bata sa loob.

Agad isinugod sa ospital ang mga bata ngunit binawian din ng buhay kalaunan.




Giit naman ng pamilya, aksidente ang nangyari at walang dapat sisihin.

Facebook Comments