BIR, ibinunyag na umaabot na sa 50 mga tax payers ang hindi nagbabayad ng tamang buwis

Manila, Philippines – Umaabot na sa 50 ang bilang ng mga taxpayers na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang nasampahan na ng kaso ng Bureau of Internal Revenue sa ilalim ng Tax Evaders Program sa pamumuno ni BIR Commissioner Caesar Dulay.

Pinakahuling sinampahan ng kaso ng BIR sa Department of Justice ang Multi-Dimension Trading na pag-aari ni James Caruncho Maniego, Eco State Builders Incorporated at Corporate Officer at General Manager nito na si Elenita Inchiong; at ang Medityre Corporation at pangulo nito na si Llorenzo Vito Sarmiento.

Base sa records ng imbestigasyon ng BIR Quezon City paulit-ulit na pinaalalahanan na ang mga ito na i-settle noon ang kanilang pagkakautang sa buwis subalit binalewala lamang ng mga ito.


Facebook Comments