BIR Isabela, Nagbabala sa Publiko sa Pagtangkilik ng Pagkuha ng ‘TIN ID online’

861

*Cauayan City, Isabela*- Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue Isabela District Office sa pagtangkilik ng publiko sa mabilis na paraan ng pagkakaroon ng Tax Identification I.D sa pamamagitan ng pagkuha online at pagbabayad ng 500 pesos sa proseso.

Ayon kay Ginang Aida Maramag, Chief ng Client Support Section ng BIR Isabela, sinabi nito na may ilang card na ang kanilang nakumpiska na umabot sa 10 habang ang ilan pa ay boluntaryong ibinagay sa kanila ng mga concerned citizen upang maiwasan ang ganitong modus.


Sinabi pa nito na posibleng kapag nakakuha ang isang indibidwal ng nasabing I.D ay hindi naman umiiral o existing ang nasabing Tax Identification Number kaya’t mababalewala umano ang pagkuha ditto

Dagdag pa nito na mahigpit na ipinagbibigay alam sa publiko na iwasan ang pagkuha online ng nasabing card dahil posible umano na makasuhan ng kriminal ang taong magbabalak na kumuha online sa mga taong di naman kawani ng kahit anong tanggapan ng BIR

Nagpaalala din ito sa publiko na mangyaring makipag ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng BIR para sa kongkretong aksyon.

Facebook Comments