Isusunod na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-corruption campaign ang Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ito ay kasunod ng paglilinis sa hanay ng Bureau of Customs (BOC).
Pagbubunyag ng Pangulo – target na niyang isunod ang BIR dahil marami pa ring mga tauhan nito ang nasasangkot sa iregularidad.
Isusulong din ng Pangulo na magkaroon ng reporma sa sistema ng pagbubuwis sa bansa upang maalis extortion at anumang uri ng katiwalian.
Tiniyak naman ng Pangulo na babaguhin niya ang gobyerno bago matapos ang kanyang termino.
Hindi niya hahayaang iwanan ang bansa na laganap ang mga katiwalian.
Nagbabala rin ng Pangulo na may mga sisibakin pa siyang mga opisyal at tauhan at may mga bubuwaging ahensya sa huling linggo niya sa opisina.
Facebook Comments