BIR naglatag narin ng safety measures para makaiwas sa COVID-19

Nagpapatupad na din ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga paraan para maiwasang malantad sa maraming tao ang mga taxpayer kontra COVID-19.

Sa economic briefing sa malakanyang, sinabi ni Revenue Executive Assistant Head for Collection Service ng BIR Rosario Padilla na pwede nang maghain ng itr ang publiko sa mismong tahanan nila online.

May mga home based applications na aniyang available para rito.


Pwede na rin aniyang magbayad sa iba’t ibang payment channels na available on line tulad ng PayMaya, GCash, at ATM debit cards.

Sa ganitong paraan, hindi na kailangan pang magpunta at pumila nang mahaba sa mga bangko para magbayad ng income tax.

Kaugnay nito, hinihikayat ni padilla ang mga taxpayer na agahan ang paghahain ng kanilang Income Tax Returns o BIR.

April 15 ang deadline para sa filing kaya ngayon pa lamang  aniya ay maaari nang maghain ng kanilang itr para maiwasang magkumahog kung kelan deadline na.

Facebook Comments