BIR, nagpaalala kaugnay sa nalalapit na deadline ng paghahain ng Income Tax Return sa June 15

Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa nalalapit na deadline ng paghahain ng Income Tax Return (ITR) sa Lunes, June 15, 2020.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Atty. Arnel Guballa, hindi na palalawigin ng ahensya ang deadline ng pagpapa-file ng ITRs.

Aniya, ang hindi kayang makapagbayad sa darating na Lunes ay magkakaroon ng 25% na penalty.


Nilinaw din ni Guballa sa mga magpa-file ng ITR na ang lahat ng mga naka-attach sa ITR kagaya na lang ng financial statement ay hanggang sa June 30, 2020 na lang.

Layunin ng ahensiya na matulungan ang gobyernong maka-ipon na ng pondo laban sa COVID-19.

Facebook Comments