Manila, Philippines – Ipina-alala ng pamunuan Bureau of Internal Revenue sa lahat ng taxpayers na ang deadline para safiling ng 2016 Income Tax Returns at pagbabayad ng tax due ay hangang ngayon araw na lamang.
Ayon kay BIR Commissioner Cezar Dulay Abril 15 angorihinal na deadline ngunit dahil ang sabado ay pumatak ng Black Saturday naNon-Working holiday, awtomatikong maililipat ang deadline sa kasunod na workingday sa April 17, 2017 ,ngayong araw ng Lunes.
Giit ni Dulay nawala ng extension na itatakda ang ahensiya dahil naabisuhan na ang lahat pararito may ilang buwan na bago ang itinakdang deadline.
Paliwanag ng opisyal na ang Tax returns na ipa-file makaraan ang alas 5 ng hapon saaraw na ito April 17 ay magkakaroon nang dagdag na penalties na 25% surcharge, 20% interest per annum at compromisepenalty alinsunod sa umiiral na Tax Code.
Dagdag pa ni Dulay na mahaharap sa kasong kriminal angsinumang hindi makakapaghain ng kanilang Income Tax Return.
BIR, nagpaalala sa publiko na ngayon na lamang ang deadline ng pagbabayad ng Income Tax Return
Facebook Comments