Sunday, January 18, 2026

BIR, nalagpasan ang tax collection target nito noong October 2022

Nalagpasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target collection nito para sa buwan ng Oktubre 2022.

Nakalikom ang ahensya ng ₱186.759 billion kung saan mataas ito ng ₱2 billion kung ikukumpara sa puntiryang ₱184.030 billion.

Mula Enero hanggang Oktubre 2022 ay umabot ang total collection nito sa ₱1.919 trillion.

Ito’y mas mataas ng 12.56% mula sa target na ₱1.974 trillion.

Facebook Comments