25,000 PCG, ipakakalat sa buong bansa ngayong Kapaskuhan

Nasa 25,000 tauhan ang ipapakalat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa buong bansa ngayong holiday season para matiyak ang seguridad ng mga babiyahe.

Sa ambush interview kanina, sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na isasailalim na rin sa full heightened alert ang PCG simula sa December 20, 2022 hanggang sa January 4, 2023.

Bukod sa mga pantalan, kasama rin sa babantayan ng PCG ang mga paliparan at terminal ng bus.


Samantala, pinaalalahanan naman ni Abu ang mga ship owner na tiyaking maayos at ligtas ang kanilang mga barko para sa mga biyahero.

Facebook Comments