Nasa 78 na criminal complaints ang naisampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa erring tax payers mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Isinagawa ito ng BIR sa ilalim ng Run After Tax Evaders (RATE) Program nito.
Ang nasabing mga kaso ay tinatayang may kabuuang tax liabilities na abot sa ₱2.249 billion.
Batay sa ulat ng Enforcement and Advocacy Service, 11 Revenue Regions ang nagsampa ng RATE cases mula sa panahong nabanggit.
Base sa records ng BIR, pinakamaraming naisampang kaso ang Revenue Region No. 8a-Makati City na may 18 kaso, sinundan ng Revenue Region No. 5-Caloocan City na may 15 at pumangatlo ang Revenue Region No.6-Manila City na may 14 na kaso.
Facebook Comments