PAMAMARIL SA ISANG GURO, KINUNDENA NG PROCOR

31
Kinundena ng Police Regional Office Cordillera ang nangyaring pamamaril sa isang public school teacher ng mga hindi pa kilalang suspek sa Bangued, Abra nitong Miyerkules, Setyembre 28, 2022.

Kinilala ang nasawing guro na si Rudy Steward Dugmam Sayen, 38-taong gulang at residente ng Barangay Zone 4, Bangued, Abra.

Nagpaabot naman ang kapulisan ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at tiniyak na gagawin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang biktima at ang pamilya nito.

Ayon sa PNP, walang lugar sa lipunan ang nasabing insidente.

Inatasan na ni PBGEN Mafelino Bazar ang Regional Director ng PROCOR si PCOL Maly Cula, Provincial Director ng Abra Police Provincial Office (PPO) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima.

Matatandaan na nagtamo ng sugat ang guro sa kanyang likod at tenga matapos pagbabarilin ng gunman habang lulan ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang bahay.



Naproseso na Provincial Forensic Unit of Abra PPO ang crime scene at tinitingnan ang mga CCTV footages na nakuha.

Hinimok din ni Regional Director PBGEN Bazar ang publiko, lalo na ang may alam sa insidente na lumantad at makipagtulungan sa mga imbestigador upang malutas agad ang insidente.

Facebook Comments