BIR, tatanggap na ng national id bilang “proof of identity”

Tatanggap na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Philippine Identification Card o national ID bilang isa sa mga valid id sa lahat ng mga transaksiyon sa kanilang tanggapan.

Ito ay kinumpirma ng Philippine Statistics Authority o PSA matapos makatanggap ng reklamo na hindi tinatanggap sa ilang ahensiya ng gobyerno at maging sa bangko ang PhilID dahil wala itong pirma.

Ayon sa PSA, kabilang ang BIR sa mga national government agencies na nag-eendorso ng PhilID at maging ang Philippine Postal Corporation o PHLPost at Department of Foreign Affairs (DFA).


Facebook Comments