Philippine Red Cross, nanawagan sa publiko na itapon nang maayos ang gamit nang face mask

Nakikiisa ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagpapatupad ng elastic campaign kaugnay sa maayos na pagtatapon ng ginamit na face masks sa gitna pa rin ng kinakaharap nating COVID-19 pandemic.

Ayon kay PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon, nagdudulot ng peligro sa buhay ng mga hayop ang hindi wastong pagtatapon ng face masks lalo na sa mga karagatan.

Kaugnay niyan, nanawagan ang PRC sa publiko na gupitin ang mga ear straps sa face masks lalo na’t posible itong magbuhol sa mga hayop na maaari din nilang ikamatay.


Batay sa ilang pag aaral, tatagal nang ilang daang taon bago tuluyang mawala ang milyun-milyong face masks na hindi itinatapon nang maayos.

Facebook Comments