BIR, tinaasan ng halos 7.23% ang target na tax collection ngayong taon

51

Target ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mapataas hanggang 7.23 percent ang tax collection ngayong taon.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, umaasa silang aabot sa P2.08 trillion ang makokolekta ngayong taon na mas mataas kumpara sa P1.94 billion noong 2020.


Kasabay nito, mas pagbubutihin aniya ng ahensya ang tax compliance ng mga taxpayers, palalakasin pa ang budget management system at papabilisin ang recruitment at promosyon ng mga empleyado.

Facebook Comments