DOH, nakapagtala ng 1,319 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

63

Nakapagtala ang Department of Health ng 1,319 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, pumalo na sa 552,246 ang kabuuang bilang kaso ng COVID-19 kung saan 28, 926 dito ang nananatiling aktibong kaso.


Habang 45 indibidwal naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling kaya’t umakyat na ang kabuuang bilang nito sa 511, 796.

Pito naman ang binawian ng buhay kaya 11,524 na ang naitalang nasawi dahil sa nasabing sakit.

Facebook Comments