BIR, tiniyak na nagbabayad ng tamang buwis ang POGO

Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagbabayad ng tamang buwis ang mga Offshore Gaming Operators at kanilang Service Providers.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, nagpapatuloy ang Tax Enforcement laban sa mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO.

Nitong nakaraang buwan, ang BIR, Dept. of Justice (DOJ), Dept. of Labor and Employment (DOLE), at Bureau of Immigration ay naglabas ng guidelines na nagre-require sa mga foreign workers na magsecure ng Tax Identification Numbers (TIN) sa pag-a-apply ng special work permits, Alien Employment Permits o Provisional Work Permits.


Maliban sa TIN, kinakailangan ding kumuha ang Foreign Workers ng “no derogatory record” mula sa National Intelligence and Coordinating Agency (NICA) at National Bureau of Investigation (NBI) para maiwasan ang posibleng National Security Implications sa kanilang pagpasok sa Pilipinas.

 

Facebook Comments