Bird flu na dumapo sa bansa, posibleng nakarating na sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Isinasailam na rin sa quarantine ang ilang lugar sa Nueva Ecija, matapos mapabalita na posibleng umabot na sa nasabing lalawigan ang bird flu.

Sa initial na report, kinumpirma ni DA Secretary Manny Piñol na may mga namamatay ng manok sa Jaen at San Isidro.

Sa ngayon, hindi pa naman tiyak na ito kung ito nga ay talagang bird flu virus, pero nagsagawa na sila ang DA ng mga laboratory test.


Dito malalaman kung infected na ba ang mga manok sa Nueva Ecija.

Ilalabas ang resulta ng laboratory test mamayang hapon o kaya naman bukas ng umaga.

Samantala kinumpirma din ni Jessie fantone, chief epidemiologist ng Department of Health (DOH) ng Central Luzon na may binabantayan sila ngayong isang trabahador sa Paulino Garcia Hospital sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija na posibleng nahawa sa mga nagkasakit na manok.

Facebook Comments