7 barangay sa Marawi City, bubuksan na sa publiko sa August 22

Manila, Philippines – Bubuksan na sa publiko ang pitong brgy. sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Emmanuel Garcia ng Joint Task Force Marawi.

Aniya ang pitong brgy. na ito ay nakakasakop sa buong Mindanao State University sa Marawi City na bubuksan sa publiko sa August 22.


Paliwanag ni Garcia sa aug 22 kasi ay magsisimula na ang klase sa MSU kaya naman kailangan ng ma-normalize ang sitwasyon sa lugar.

Kahapon ay nagsagawa ng Brigada Eskwela sa MSU.

Sinabi pa ni Garcia na kailangan nilang protektahan ang MSU dahil ito ang sumisimbolo sa buong lungsod ng Marawi.

Naging challenging daw para sa AFP na mabawi ang MSU pero ginawa lahat ng militar na mabawi ito at maibalik sa normal.

Facebook Comments