Bird flu outbreak, isinisisi ng minorya sa pagpupuslit ng mga smuggled agriculture at poultry products

Isinisisi ng minorya sa Kamara ang talamak na smuggling sa agricultural products at poultry kaya nagkaroon ng bird flu outbreak ngayon sa bansa.

Kamakailan lang ay idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang outbreak sa Bulacan, Pampanga, Laguna, Camarines Sur, Nueva Ecija, Bataan, Tarlac, Sultan Kudarat at Benguet dahil sa mga kaso ng Avian Influenza (AI) H5N1 sa mga duck at quail farms sa mga nabanggit na lugar.

Tinukoy ng oposisyon ang ilang insidente na posibleng iligal na napapasok sa bansa ang mga hayop na maysakit.


Ilan dito ay noong October 2019 kung saan nasabat ng Customs ang dalawang containers ng smuggled na pork at meat products galing China na aabot sa ₱3.5 million at noong May 2021 kung saan nakumpiska sa Navotas ang ₱100 million na halaga ng frozen meat at assorted agri-fishery products.

Napagalaman pa na kontaminado ang mga smuggled na produkto ng African Swine Fever (ASF).

Duda rin ang mga kongresista na may kasamang poultry products mula sa mga smuggled items na naharang noong April 2021 na aabot sa ₱650 million.

Nababahala ang minorya na maliit lamang ito at posibleng marami pang agriculture at poultry products ang nakakalusot sa bansa na naglalaman ng sakit ng mga hayop.

Facebook Comments