Pagkakasundo ng Olympian pole vaulter EJ Obiena at ng PATAFA, pinuri ng isang sendor

56

Labis na ikinatuwa ni Senator Pia Cayetano na sa wakas ay nagkasundo na ang ating Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena at ang Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA.

Sinabi ito ni Ceyetano, makaraang ihayag ng Philippine Sports Commission o PSC na naplantsa na ang gusot sa pagitan ni Obiena at PATAFA.

Tinukoy ni Cayetano na ibinalita rin ng PSC na inendorso na ng PATAFA si EJ Obiena para makapaglaro sa Southeast Asian Games at World Outdoor Athletics championship.


Bunsod nito ay tiwala si Cayetano na muling makakamit ni Obiena ang tagumpay na magbibigay karangalan sa ating bansa.

Facebook Comments