Bird flu sa isang poultry farm sa Pampanga, naresolba na noon pang kalagitnaan ng Hulyo, sa ayon sa BAI

Pinawi ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang pangamba ng publiko sa pagkain ng manok kasunod ng pagtama ng bird flu sa Pampanga.

Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni BAI Director Ronnie Domingo na ang chicken layer o mga manok na nangingitlog ang tinamaan ng bird flu at hindi ang broiler chicken na siyang kinakain ng mga tao.

Ayon pa kay Domingo, isang poultry farm lang sa bayan ng San Luis, Pampanga ang tinamaan ng bird flu at nakontrol na ito noon pang kalagitnaan ng Hulyo kaya wala ring dapat ikatakot ang publiko sa pagkain ng itlog.


Aniya, hindi dapat maalarma ang publiko pero dapat na maging alerto.

Mahigit 30,000 manok mula sa poultry farm sa Pampanga ang kinatay at inilibing para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Samantala, kinumpirma rin ni Domingo na bird flu-free na ang Nueva Ecija.

Marso nang tamaan ng bird flu ang probinsya partikular sa mga pugo.

Facebook Comments