Birth certificates, walang expiration date – PSA

Nilinaw ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang expiration date ang mga birth certificates.

Ito ang anunsyo ng ahensya kasunod ng panukalang inihain ni Senator Ralph Recto na magbibigay ng lifetime validity sa mga birth certificates.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal sa mga ahensya ng gobyerno na mag-require sa mga aplikante na magsumite ng birth certificate na naimprenta sa pinakahuling bersyon ng security paper.


Ang birth certificate na inisyu at sinertipikahan ng PSA ay hindi mag-e-expire at may bisa anumang oras kung walang administrative correction.

Ayon kay Civil Registration and Central Support Office Deputy National Statistician Daniel Ariaso Sr. – wala silang ipinapataw na expiration sa mga birth certificates.

Pero may ilang institusyon ang nangangailangan ng bagong kopya.

Paglilinaw pa ng PSA na bagamat regular nilang binabago ang security paper na ginagamit sa mga dokumeto para hindi ito makopya ay hindi nangangahulungang ang mga naunang inisyu na mga dokumento ay expired na.

Sa ngayon, naniningil ang PSA ng 155 pesos para sa authenticated copy ng birth certificate, habang 365 pesos naman ang singil kung nais ihatid ang dokumento sa bahay ng requesting party.

Facebook Comments