Manila, Philippines – Maari pang mapahaba ang bisa ng bagong driver’s license na 5-year ang validity alinsunod sa susunding Demerit System ng Land Transportation Office.
Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante , sa implementing rules, maaring pahabain pa ang 5-year validity ng hawak na lisensya ng rivers kung makitang wala silang bahid ng mga paglabag sa batas trapiko at nagpakita ng pagiging responsable o mga disiplinado sa kanilang pagbaybay sa kalsada.
Pero, kabaliktaran naman dito ang maaring sapitin ng mga bastos at abusadong driver. Kung makikita na nakaipon ng maraming violations ang driver, paiiralin ang demerit system. Kahit hindi pa nagpapaso ang 5 year validity. Maaring mapaikli ang bisa ng kanilang hawak na lisensya sa pagmamaneho.
Taliwas sa pangamba na madaling kumupas at masira ang license card. Nilinaw ni Galvante na dahil gawa ito sa polycarbonate material, mas matibay kung ihahambing sa mga gawa sa PVC or polyvinyl chloride. Kung kayat magtatagal ito hanggang sampung taon.