Magbibigay lamang ng kaparehas na proteksyon laban sa COVID-19 ang bakuna kahit saan man ito iturok, sa braso man o sa puwet.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mahalagang tingnan ay ang immune reponse kapag itinurok na ang bakuna sa tao.
Pero kadalasan aniya ang bakuna ay isinasaksak sa braso.
Dagdag pa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng iturok ang bakuna sa iba pang bahagi ng katawan basta sapat ang muscle mass.
Matatandaang sinabi ng Malacañang na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna sa puwet, ang dahilan kung bakit hindi maaaring isapubliko ang kanyang pagpapabakuna.
Facebook Comments