Aminado ang Department of Health (DOH) na kulang pa ang impormasyon sa ngayon kung gaano katagal magiging immune o ligtas ang isang taong nabakunahan mula sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang paliwanag kung bakit kailangan pang dumaan sa 14-days quarantine ang mga balikbayang Pilipino kahit sila ay nabakunahan na sa kanilang pinanggalingang bansa.
Kaya mainam pa rin na sundin ang minimum health standards tulad ng pagsuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing para makaiwas sa virus.
“So whatever the other countries are doing right now, ‘yon pong effectiveness ng bakuna would depend on the outcomes of the population that would be measured and it will take long,” ani Vergeire.
Nilinaw rin ni Vergeire na ibabatay sa storage requirements at hindi sa efficacy rate ang pagdedesisyon kung anong mga bakuna ang maipapadala sa mga siyudad at mga malalayong lugar.