Bisa ng lisensya ng baril, palalawigin pa

Pinapalawig ng mga kongresista ng isang taon pa ang bisa ng lisensya ng mga baril.

Sa virtual hearing ng House Committee on Public Order and Safety ay ini-adopt ang House Resolution 1119 na layong palawigin ang validity ng Permit to Carry Firearm Outside of Residence (PTCFOR) at License to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Sa loob ng isang taon ay sususpendihin muna ang deadline ng pagsusumite ng mga dokumentong kinakailangan para sa renewal ng permit ng mga gun owners.


Tinukoy ng mga kongresista sa komite na mahirap para sa mga lehitimong firearm owners na makasunod ngayon sa itinatakda ng RA 10591 para sa renewal ng gun registration at lisensya bunsod na rin ng kondisyong dulot ng COVID-19 pandemic.

Bukod sa panganib na dala ng Coronavirus ay nade-delay rin ang proseso para sa registration at licensing ng mga baril dahil sa pagpapatupad ng alternative work schemes kung saan kakaunti lamang ang manpower o personnel na mag-aasikaso nito.

Facebook Comments